Ang Aking Paglalakbay sa Mundo ng Panitikan

Simula ng semestre, naghihintay kaming magkakaklase sa loob ng malamig na classroom. Mga pamilyar na mukha... Dumating ang propesor. Bumati kami at binati niya din kami pabalik. Nagsimula na nga ang FIL 20.

Unang araw, may takdang aralin agad. Sobrang excited pa ko nun. Pag-uwi ay niresearch agad ang takdang aralin, ano daw ang ibig sabihin ng apelyidong 'Torre'? Sumunod na pagkikita, nagkaroon ng resitasyon sa klase ukol dito. Masaya ang naging diskusyon. Malaya, at ani bang nagbabahagi lamang  ng mga opinyon kasama ang mga kaibigan. Kumportable. Halos ganito ang naging takbo ng FIL 20 buong semestre.

Madaming classroom activities: paggawa ng pangalan, ng iba't ibang tula, reporting, at kung ano pa man. Hinding-hindi ko malilimutan yung paggawa ng kahulugan ng pangalan. Sobrang nahirapan ako dito. Paano ba naman, kailangan mong kalimutan ang madaming bagay para makabuo ka ng panibagong kahulugan. Sinisi ko yun sa kakulangan ko ng creativity. Pero ginawa ko pa din, at sa totoo lang, binase ko na lang yun sa sinabi ng Nanay ko tungkol sa kin.

Ang dalawang akdang tinalakay; Ang Batbat hi Udan at Ang Makina ni Mang Turing, ay parehong tunay na mahuhusay na obra ng dalawang mahuhusay na akda. Sa totoo lamang, hindi ako mahilig sa mga ganito; puro kasi ingles ang aking binabasa. Kaya masasabi ko talaga na dinala ako ng FIL 20 sa dalawang mundong hindi ko matatahak kung hindi ko kinuha ang subject na ito. At sa paglalakbay ko sa dalawang mundong ito, hindi din ako nagsisi dahil sa hindi makakailang mala-engkantong paraan ng pagbihag ng mga akda sa mga mambabasa. Napakagaling talaga. (ngunit kung pipili ako ng paborito, mas nagustuhan ko ang Batbat hi Udan dahil sa makulay at nakamamanghang mundo nito).

Sobrang saya din nung paggawa ng iba't ibang tula. Napakasayang mageksperimento ng iba't ibang kombinasyon ng mga salita at tunog. Nakakapanibago din ito. Isinentro ko ang bawat tula sa kung ano mang topic ang maisipan ko sa paggawa. Ang sound poetry ay ukol sa Haring Ibon, dahil sariwa pa saking isipan ang pinanood na dokumentaryo tungkol sa kanila noong nakaraang gabi. Ang haibun naman ay alay sa sarili kong ina na siyang nagsisilbing ilaw at haligi ng aming tahanan; nagtatrabaho sa opisina buong araw (hanggang sa pag-uwi) at nagagawa pang ipagluto kami ng umagahan kadalasan. Ang huli, pattern poetry, ay binigyang inspirasyon ng kasulukuyang laban ng ating mga magigiting na magsasaka sa bulok na sistemang patuloy na winawasak ng mga corrupt government officials (tulad na nga ni Cynthia Villar).

Sa madaling salita, lahat ng gawa ko para sa FIL 20 ay binigyang inspirasyon ng kung ano mang malapit sa aking puso o pumukaw ng aking interes. Ang course na ito ang nagsilbing outlet para aking galugarin ang mga interes na ito.

Nakakatuwa't hindi lamang ako natuto ng mga kaalamang pang-akademya---sapagkat wala man sa course outline ay natutunan ko ding mas maging masuring miyembro ng madla, at maging isang aktib na parte ng bansa. Bukod ba doon, nakapag-ipon din ako ng di makakalimutang mga experience at memories sa mga limang buwan kong pagsabak sa subject na ito. Salamat din pala, Don Dumlao, sa malayang diskursong ipinamalas ng ating klasrum. Tunay na makabuluhang paglalakbay talaga ang ginawa natin sa subject na ito. =)

Comments

Popular posts from this blog

Kahulugan ng Pangalan

Dramatikong Tula