Haibun
Lumabas ng
malamig na kwarto. Nakatago pa ang araw. Halimuyak ng sinaing. Tunog ng
mantikang sumasayaw sa kawali. Nakaupo ang Nanay sa may lamesita. Nakaharap sa
laptop na pang-opisina.
Kuskos ng kamay
Sa pungay na
mata,
Agaha’y handa
na.
Image Source: http://mumsandwork.blogspot.com/2014/02/a-letter-from-working-mother-to-stay-at.html |
Comments
Post a Comment