Ang Aking Paglalakbay sa Mundo ng Panitikan
Simula ng semestre, naghihintay kaming magkakaklase sa loob ng malamig na classroom. Mga pamilyar na mukha... Dumating ang propesor. Bumati kami at binati niya din kami pabalik. Nagsimula na nga ang FIL 20. Unang araw, may takdang aralin agad. Sobrang excited pa ko nun. Pag-uwi ay niresearch agad ang takdang aralin, ano daw ang ibig sabihin ng apelyidong 'Torre'? Sumunod na pagkikita, nagkaroon ng resitasyon sa klase ukol dito. Masaya ang naging diskusyon. Malaya, at ani bang nagbabahagi lamang ng mga opinyon kasama ang mga kaibigan. Kumportable. Halos ganito ang naging takbo ng FIL 20 buong semestre. Madaming classroom activities: paggawa ng pangalan, ng iba't ibang tula, reporting, at kung ano pa man. Hinding-hindi ko malilimutan yung paggawa ng kahulugan ng pangalan. Sobrang nahirapan ako dito. Paano ba naman, kailangan mong kalimutan ang madaming bagay para makabuo ka ng panibagong kahulugan. Sinisi ko yun sa kakulangan ko ng creativity. Pero ginawa ko pa din, at...