Posts

Showing posts from December, 2019

Ang Aking Paglalakbay sa Mundo ng Panitikan

Simula ng semestre, naghihintay kaming magkakaklase sa loob ng malamig na classroom. Mga pamilyar na mukha... Dumating ang propesor. Bumati kami at binati niya din kami pabalik. Nagsimula na nga ang FIL 20. Unang araw, may takdang aralin agad. Sobrang excited pa ko nun. Pag-uwi ay niresearch agad ang takdang aralin, ano daw ang ibig sabihin ng apelyidong 'Torre'? Sumunod na pagkikita, nagkaroon ng resitasyon sa klase ukol dito. Masaya ang naging diskusyon. Malaya, at ani bang nagbabahagi lamang  ng mga opinyon kasama ang mga kaibigan. Kumportable. Halos ganito ang naging takbo ng FIL 20 buong semestre. Madaming classroom activities: paggawa ng pangalan, ng iba't ibang tula, reporting, at kung ano pa man. Hinding-hindi ko malilimutan yung paggawa ng kahulugan ng pangalan. Sobrang nahirapan ako dito. Paano ba naman, kailangan mong kalimutan ang madaming bagay para makabuo ka ng panibagong kahulugan. Sinisi ko yun sa kakulangan ko ng creativity. Pero ginawa ko pa din, at...

Pattern Poetry

Image

Sound Poetry

Image
Laridum, laridum, larirumdum, lalaridum Haribong naroon, kaharia’y kalangitan ‘Sang ladlad ng pakpak, kagyat bihag mga mata Laridum, laridum, larirumdum, lalaridum Laridum, laridum, larirumdum, lalaridum Haribong naroon, kaharia’y kalangitan Laridum, laridum, larirumdum, lalaridum ‘Sang ladlad ng pakpak, kagyat bihag mga mata Image Source:  https://www.alainpascua.com/Blog/FlightoftheBanog-BagoboPlight

Haibun

Image
Lumabas ng malamig na kwarto. Nakatago pa ang araw. Halimuyak ng sinaing. Tunog ng mantikang sumasayaw sa kawali. Nakaupo ang Nanay sa may lamesita. Nakaharap sa laptop na pang-opisina. Kuskos ng kamay Sa pungay na mata, Agaha’y handa na. Image Source:  http://mumsandwork.blogspot.com/2014/02/a-letter-from-working-mother-to-stay-at.html
Image
Diagram sa pagsusuri ng tulang 'May Bagyo Man At May Rilim' Image Source:  https://www.biblestudytools.com/topical-verses/bible-verses-about-rain/

Dramatikong Tula

Image
Nagbabasa ng mga ‘posts’ sa social media, Ani’y bintanang yumuyukyok sa nagbabantang bagyo, Magtago ka na, ano ba ang laban mo? Ngayo’y naglalakad sa kalye’t dis-oras na ng gabi, Bilis Ineng! Tumingin ka sa kanan, tumingin rin sa kaliwa, Mga bangungot ay nariyan na’t lalaya na, Dala ng gobyernong nananamantala. Image Source:  https://www.wattpad.com/story/5515399-kilabot-sa-daan-based-on-a-true-story

Kahulugan ng Pangalan

Fatima Leila literal na nangangahulugang “ang liwanag sa dilim”, o kaya’y “ hope ” o pag-asa . Ang Fatima ay nagmula sa pinagsamang dalawang salita: Fa at Tima . Ang Fa ay ‘sa’, ang Tima ay ’Dilim’. Pag pinagsama, ‘ Sa dilim ’. Ang Leila ay nagmula sa pinagsama ding dalawang salita: Le at Ila . Ang Le ay ‘ang’ at ang Ila ay ‘Liwanag’. Pag pinagsama ay ‘ Ang liwanag ’.